Umaasa kaming magpatuloy ka sa iyong paghahanap sa Diyos at sana makatulong ang mga materyales na ito sa paglago ng iyong pananampalataya.
Mayroon bang magandang ebidensya sa kasaysayan para sa muling pagkabuhay ni Hesus? Posible ba talaga ang mga himala? Siyasatin ang katibayan para sa iyong sarili sa video na ito mula sa Impact 360.
Sa spoken word video na ito, sinisiyasat namin ang apat na pangunahing katotohanan ng muling pagkabuhay ni Hesus na pinagkasunduan ng mga historian, at mga alternatibong teorya para patunayang na hindi ito isang panloloko, at ang pag-asang mayroon tayo dahil si Hesus ay nabuhay na muli!
Si Hesus ba ay muling nabuhay? Sa unang bahagi ng isang video mula sa Reasonable Faith: Ano ang mga katotohanan na nangangailangan ng paliwanag?
Si Hesus ba ay muling nabuhay? Sa pangalawang bahagi ng isang video mula sa Reasonable Faith: Aling sa mga pagpapaliwanag na ito ang pinakamahusay na paliwanag para sa mga katotohanan na ito?
Talaga bang muling nabuhay si Hesus ng Nazareth? Sa lahat ng mga relihiyon sa mundo, iisa lamang ang naghahayag na ang kanilang tagapagtatag ay bumalik mula sa libingan. Ang muling pagkabuhay ni Hesukristo ay ang pundasyon ng Kristiyanismo.
Ngunit ang isang patay na muling nabuhay?
Mapagkakatiwalaan ba ang mga katibayan para sa at laban sa muling pagkabuhay?
Ang isang dating may duda sa Kristiyanismo na si Josh McDowell, na ngayon ay kasama ng kaniyang anak na si Sean, kasabay nilang sinusuri ang mga katibayan tungkol kay Hesus. Siya ba talaga ang Panginoon na inaangkin niya? Paano natin malalaman na ito ay totoo? Ang librong "More than a Carpenter" ay nag-aalok ng mga argumento para sa pananampalataya mula sa isang dating may duda tungkol sa Kristiyanismo.
Maaari kang maniwala dahil sa ebidensya, at hindi sa kabila nito.
Sa unang 35 taon ng kanyang buhay, si J. Warner Wallace ay isang ateista. Napagtanto niya na ang Kristiyanismo ay katulad ng mga malamig na kaso na nalutas niya bilang isang detektib - mga kasong may sapat na katibayan, mga saksi, at mga kasulatan upang malutas.